“There are some people who live in a dream world, and there are some who face REALITY; and then there are those who turn one into the other.” --Douglas H. Everett
Monday, July 16, 2007
Free Fallin'
"Honestly girl ayaw mo na bang magpakasal?".Naku, nabigla naman ako sa tanong na yun, napa isip..Kung itinanong sa akin yan mga 6 years ago siguradong sigurado ako na "Oo ayaw ko na." ang diretsong sagot ko.Sa totoo lang may nag offer na rin na magpa annul at magpakasal uli pero dahil firm ang stand ko na "hindi talaga" nung mga time na yon siempre nag refuse ako isa pa, siguro hindi ko ganun kamahal ung tao. As time goes by hindi ko na napag tuunan ng pansin o naisip ang issue na yan, not unless may magtanong na kaibigan. At ayan na nga, napag usapan uli at nagulat ako sa sarili ko na hindi na automatic ang naging sagot ko na "Ayaw ko na girl." kundi napatigil ako, kinapa ang saloobin, ang totoong nararamdaman, at ang sagot ko ay.."Gusto ko pa rin.." Ang tanong naman ngayon ay "Bakit?" diba?Well eto naman ang mga sagot ko base sa nararamdaman ko. As I grow old nagkakaroon na rin ako ng pag iisip na "Ayoko tumanda alone." Ano namang kinalaman ng pagtanda na mag-isa sa pagpapakasal uli? At a certain point related ang marriage sa sense of security or assurance na may makakasama ako sa pagtanda ko, gusto ko may matatawag akong hubby,partner..mine, gusto ko yung feeling na yun.Dahil mahal na mahal ko ang isang tao gusto ko sabihin na hubby ko sya . Kumplikado ang buhay, pero you di naman masamang mag hope diba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment