Friday, January 26, 2007

EX talk

Para sa mga EX na nagsasabi na naka "move-on" na sila pero ang totoo hindi naman talaga..

Sabi nga ni Miss Lolit Solis "anong meron si Bong (Revilla) na hindi makalimutan ng isang Gretchen Barretto?" Oo nga nman..Ano nga bang meron??
Anong meron at kailangan pa maglalapit ni Gretchen kay Lani(Mercado) to apologize after admitting that nagkaroon sila ng affair ni Bong 15 years ago?Simple lang talaga at tama ang tanong ni Manay Lolit..
Alam nyo sa dinami-dami ng tao na makakarelasyon natin meron talagang isang dadaan na mag iiwan ng markang hindi kailan man maalis sa puso at isipan natin,sabi nga ng kanta ni Sinead O'Connor "Nothing Compares to You",yun na yun sapul..
At kung wala na sa buhay natin ang taong ito(ang ating EX) sa kung ano pa mang kadahilanan,siya man o ikaw ang may kasalanan huwag mo i-claim na nakalimutan o naka "move on" kana kung:

1.Lagi mo pa rin naiuugnay ang mga bagay na ginagawa mo sa kasalukuyan(activities,things,places,etc) sa memories ng mga bagay na ginagawa nyo ng Ex mo noon.

2.Ikinukumpara mo sa mga nakakarelasyon mo o sa mga may interes sa iyo ang Ex mo,hindi na importante kung sino ang mas may worth,kung yung EX o yung present or prospect man yan.the thing is yung Ex mo ang tumatayong gauge o metrics mo.
nagpapatunay lang na naghahanap ka ng may similarity sa kanya dahil baka maibibigay nila yung mga bagay na namimiss mo.

3.Kung may panghihinayang kang nararamdaman na wala na kayo lalo na pag nalaman mo na may iba na siya.nanghihinayang dahil sa ibat-ibang dahilan,maaring kahit papaano hoping ka pa na magkakabalikan kayo,o kaya naman gusto mong isipin na pinagsisisihan nya na nawala ka at wala na siyang makukuha na katulad mo etc.

4.Pag hindi tumatagal ang mga relasyon mo after ng Ex na sinasabi mo na nakalimutan mo na,lahat ay hindi tumatagal ng kasing tagal nyo dati or mas matagal pa.well there must be something wrong with you at may kinalaman pa din ito sa EX na hindi mo makalimutan.

Bago ko isinulat ang mga bagay na ito nagtanong-tanong din muna ako,di naman ito base sakin o sa experience ko lang.although itinanong ko din ang mga bagay na ito sa sarili ko,at ang sagot ko katulad pa rin ng dati...that i've moved on wonderfully!and fyi
wala pang dumaan sa buhay ko na hindi ako naka "move on".malay nyo itong bagay na inalagaan ko ng mahigit na apat na taon ay hinding-hindi ko makakalimutan dahil gagawin ko ang lahat para kailan man ay hindi ito mawawala sa akin!

--jo

No comments: