Wednesday, August 06, 2008

Another Conversation

Sinundo ko ang ate ko sa kanyang baking class sa isang kilalang Culinary school na pag-aari ng isang kilalang pastry chef. Hindi pa tapos ang class niya kaya mega wait ang lola niyo habang pinapanood sila sa mala-aquarium na baking room.

Lolo : (bigla na lang umapir sa tabi ko galing siguro sa office area.) So tita mo ba yung nag-attend ng class?
Me : Sister ko po.
Lolo : Ah talaga. (sabay watch din sa glass window, btw dad pala siya ng pastry chef/instructor)
Me : Chef din kayo?(mukhang chef eh, promise!)
Lolo: Ah hindi, official food taster lang ako dito. (habang naka smile.)
Lolo : And besides, too many cook spoils the broth!
Me : Oo nga naman!

At least, habang nakatanga ako dun may wisdom din na napulot.

No comments: